SAWIKAIN: 30+ Halimbawa Ng Sawikain At Mga Kahulugan Nito
kahulugan ng sawikain filipino,kahulugan ng sawikain mababaw ang luha,kahulugan ng sawikain sa filipino,kahulugan ng sawikain na patay gutom,kahulugan ng sawikain wikipedia,kahulugan ng sawikain tagalog,kahulugan ng sawikain at salawikain,kahulugan ng sawikain o idyoma,kahulugan ng sawikain,kahulugan ng sawikain at halimbawa,
30+ Halimbawa ng Sawikain at mga Kahulugan Nito
SAWIKAIN – Narito ang higit sa 30+ halimbawa ng mga sawikain at ang kanilang mga kahulugan.
Kadalasan, sa tuwing nagbabasa tayo ay marami tayong sawikain na makakasalubong. Ito ay mga idyoma o kasabihan na ang kahulugan ay hindi komposisyonal ayon sa Tagalog Lang.
Narito ang higit sa 30 halimbawa ng mga sawikain at kanilang mga kahulugan:
1. Bukas ang Palad = Matulungin
Talagang bukas ang palad ni Rodrigo pagdating sa mga kasama niyang mangingisda.
2. Amoy Pinipig = Mabango
Palaging amoy pinipig ang guro nila sa Filipino.
3. Kabiyak ng Dibdib = Asawa
Sa bayan nagtratrabaho ang kabiyak ng dibdib ni Aling Myrna.
4. Butas ang bulsa = Walang pera
Maraming bayarin sa bahay nila kaya butas ang bulsa ni Kiko ngayon.
5. Lantang Gulay = Sobrang pagod
Parang lantang gulay ang inay noong dumating siya sa bahay galing sa pag-lalabada.
6. Nagsusunog ng Kilay = Masipag mag-aral
Araw-araw ay nagsusunog ng kilay ang batang si Jaime.
7. Pag-iisang Dibdib = Kasal
Malapit na ang pag-iisang dibdib nina Carlos at Gina kaya abala na sila sa paghahanda ngayon.
8. Makapal ang Palad = Masipag
Paborito ni Tiyo Berting si Richmond sa pagiging makapal palad nito.
9. Kilos Pagong = Mabagal
Binantaan na ni Cora si Theo na bawal ang kilos pagong sa grupo nila.
10. Mapurol ang Utak = Hindi matalino
Kahit mapuro ang utak ni Christopher, mabuti naman ang kanyang kalooban.
Nhận xét
Đăng nhận xét