URI NG PANG-ABAY: 9 Na Uri Ng Pang-abay, Mga Halimbawa Nito
ano ang pang abay na panlunan at halimbawa nito,ano ang pang abay na panlunan halimbawa,ano ang pang abay na pamanahon at halimbawa nito,ano ang pang abay na panlunan,ano ang pang abay na pamanahon,ano ang pang abay na pamamaraan sa filipino,ano ang pang abay na pamaraan magbigay ng 5 halimbawa,ano ang pang abay na pamaraan halimbawa,ano ang pang abay na pamaraan,ano ang pang abay na pamaraan at halimbawa nito,
Kilalanin ang 9 na Uri ng Pang-abay at mga Halimbawa nito
URI NG PANG-ABAY – Narito ang siyam(9) na uri ng pang-abay at ang mga halimbawa ng bawat isa.
Isa sa mga bahagi ng pananalita na maraming uri ay ang pang-abay. Isa rin ito sa mga bahagi ng pananalita na kadalasan ay makikita sa mga pangungusap.
Ano ang pang-abay?
Ang pang-abay o adberbyo ay ang bahagi ng pananalita na nagbibigay katuringan o naglalarawan sa pang-uri, pandiwa, o maging sa kapwa nito pang-abay. Ito ay tinatawag na adverb sa wikang Ingles.
Ang bahagi ng pananalita na ito ay may maraming uri. Sa katunayan, mayroong siyam(9) na uri ng pang-abay – pamanahon, pamaraan, panlunan, pang-agam, panang-ayon, pananggi, pamitagan, pampanukat, panulad, at pamitagan,
9 na Uri ng Pang-abay at mga Halimbawa nito
1. Pang-abay na Pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon ay nagbibigay turing sa kilos ng pandiwa. Ito ay nagsasaad kung kailan ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos.
Mga Halimbawa: Bukas, Kanina, Gabi-gabi
2. Pang-abay na Pamaraan
Ang pang-abay na pamaraan ay nagsasaad kung paano isinagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap.
Mga Halimbawa: Hinay-hinay, Malakas, Mabilisan
3. Pang-abay na Panlunan
Ang Pang-abay na Panlunan ay nagsasaad ay tumutukoy sa pook kung saan naganap ang kilos o pangyayari.
Halimbawa: Umalis papuntang parke ang mga bata.
4. Pang-abay na Pang-agam
Ang pang-abay na pang-agam ay nagsasaad ng hindi lubusang katiyakan tungkol sa isang bagay o kilos.
Mga Halimbawa: Marahil, Tila, Baka
5. Pang-abay na Panang-ayon
Ang pang-abay na panang-ayon ay nagpapakita ng pagsang-ayon sa isang bagay o pangyayari.
Mga Halimbawa: Totoo, Syempre, Tunay
6. Pang-abay na Pananggi
Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng pag tutol sa kilos na ginawa, ginagawa, o gagawin pa lamang.
Halimbawa: Hindi ako sang-ayon na lumabas kayo mamayang gabi.
7. Pang-abay na Pamitagan
Isa sa mga uri ng pang-abay na kadalasan makikita sa mga pangungusap ay ang pang-abay na pamitagan. Ito ay nagpapakita ng paggalang.
Halimbawa: Saan po ba ang punta ninyo mamayang gabi?
8. Pang-abay na Pampanukat
Ang pang-abay na pampanukat ay nagbibigay turing sa sukat, bigat, o timbang ng isang tao o bagay.
Halimbawa: Limampu’t pitong kilometro ang layo ng bahay nina Geoffrey at ng pamilya niya sa bahay ni Tiya Mirasol.
9. Pang-abay na Panulad
Isa pang uri ng pang-abay ay ang pang-abay na panulad. Ayon sa Answers, ito ay nagsasaad ng pagkakatulad o paghahambing ng dalawang tao, bagay, pook, o pangyayari.
Mga Halimbawa: Higit, Mas, Magkasing
Nhận xét
Đăng nhận xét